KAPATID
Good afternoon po! Noon ko pa po kayo gustong makontak or makausap, naniniwala po ako sa Elias na darating actually isini-share ko lagi sa mga kapatid sa Iglesia ang mga nalalaman ko. Nadagdagan pa nga ang kaalaman ko ng mabasa ko ang blog nyo. Nang nabasa ko ang blog nyo may nakita akong similarity sa isang tao na alam ko kung papaano siya the way na magsulat, kaya naniwala ako sa blog nyo…inisip ko pa nga po baka iisang tao lang ang nagsulat ng blog nyo at yung nabasa ko na ibinigay sa amin. Kaya lang kahapon na upset ako ng sabihin ni ka Kelly na hindi kayo totoo, si Martin daw kayo, pati ako naguluhan na…kc ung mga isinulat nyo po ay malapit sa katotohanan at malapit din ang meaning sa una kong nabasa. Alam ko po malapit na ang wakas dahil po sa sipi na ibinigay sa asawa ko kaya ko alam. Ang sabi ko pa nga po sa isip ko eto yata yung kadugtong ng nabasa ko. Paano ko po malalanan na totoo kayo, dahil hindi naman kayo kilala. Kahit naniniwala ako sa inyo baka mali ako magalit pa sa akin ang AMA sa mga ginagawa ko baka sabihin tinalikuran ko na ang aral NIYA.
KAPATID
Ibinabalita ko rin po sa iba itong blog nyo para magbasa sila. Nagprint pa nga po ako para maipamigay sa mga walang internet. Paano po kayo susundin sa mga ipinagagawa ninyo sa Iglesia kung hindi kayo kilala at ang pagkakilala sa inyo ay bulaang mangangaral?
KAPATID
Pls. Lang po huwag nyo pong ipopost ang mga letter ko baka makilala po ako, salamat po
KAPATID
Kung ipopost nyo po pakialis na lang po kung sino ang sender.
———————oooOOOooo—————————-
SA NAGPADALA NG PRIBADONG MENSAHE SA FACEBOOK.
MAY TAKDANG PANAHON MAKIKILALA NIYO RIN SIYA MGA KAPATID . IGALANG NA LANG MUNA NATIN ANG PAG-IINGAT NIYANG GINAGAWA UPANG HINDI TAYO MAWALAN NG ISANG KAPATID NA ELIAS ARKANGHEL NA MAY NAKATAKDANG GAWAIN AYON SA IPINAG-UUTOS SA KANYA. ANG MAHALAGA ANG MGA PATOTOO SA BIBLIA NA INIHAHANAY NIYA AT NAUUNAWAAN NATIN. MARAMING SALAMAT KAPATID.
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo … Hinirang.
LikeLike
Magandang araw po Ka Elias.
Aaminin ko po na noong una ko pong mabasa sa mga Defender na kayo daw po si Erano Evangelista ay isa ako sa mga nagpakalat na hindi po kayo dapat basahin o paniwalaan dahil isa umano kayo sa mga nananamantala sa krisis na nangyayari ngayon sa banal na Iglesia.
Ngunit nagbago po ang lahat ng iyon nang may makausap po ako na nagbabasa pala ng blogs po ninyo. Tinanong po niya ako kung paano ko napatunayan na kayo nga si Evangelista, at hindi ko po nasagot dahil nga naman hindi ko pa nabasa ng maayos ang inyong blog. Ang nasabi ko lamang po, hindi ko po pinagtuunan ng pansin ang inyong blog dahil nahihilo akong basahin ito dahil sa disenyo.
Gayunpaman binigyan ko po ng pagkakataon na suriin nang maayos ang inyong blog. Bago ko po ginawa ito ay binantayan ko po ang puso ko nang hindi ako maligaw ng landas. Nagsisi po ako na hinusgahan ko kayo kaagad bago ko pa nabasa ang nilalaman ng blog po ninyo. Nakalimutan ko po na kaya nananatiling bulag ang mga kapatid ay dahil mas pinipili nilang sabihin na kasinungalingan ang mga ebidensiyang lumulutang sa internet, at wala po akong pinagkaiba sa kanila kung ako man ay magsasabing hindi kayo dapat paniwalaan nang hindi ko binibigyan ng pagkakataon ang sarili ko na basahin ang blog niyo.
Naliwanagan po ako nang husto sa mga pangyayari ngayon sa Iglesia nang basahin ko mga post niyo sa tulong ng kaibigan ko na ngayon na nagpakilala sakin sa inyo. Nagtataka nga po ako bakit sinasabi nila agad na hidwang pananampalataya ang mga isinulat ninyo, kahit na malinaw po sa akin na wala naman po kayong ganoong layunin. Bukod pa rito ay dama ko po na may kaloob ng Espiritu Santo ang mga nabasa ko, lalo pa pong tumibay ang loob ko upang manatili sa loob ng Iglesia kahit nararamdaman ko na po na gusto ko nang bumitiw at sumuko.
Kaawa-awa po ang mga humuhusga sa inyo, maging defender man o mga bulag. Marahil hindi pa po nila lubos na naunawaan ang mga nauna ninyong sinulat at pinagtuunan lang ng pansin ang mga panaginip na nailathala po dito. Ano po bang masama sa mga napanaginipan namin? Mali po ba na isipin na baka may pakahulugan ang mga ito? Hindi po ba maging sa Biblia nakipag-usap ang Diyos sa Kaniyang mga lingkod sa pamamagitan ng mga panaginip? Hindi po ba nagbigay rin ng interpretasyon si Jose sa mga panaginip ng hari, na nakatulong sa hari upang masagip ang mga taga-Egipto mula sa tuluyang pagkagutom? Gayon din naman po ang nangyari sa Bagong Tipan hindi po ba?
Sinaliksik ko rin po kung paano magsulat si Evangelista at wala po akong nakitang pagkakapareho sa inyo ni isa. Inobserbahan ko rin kung paano siya magsalita sa TV at sa unang kita ko pa lang sa kaniya alam ko na pong huwad siyang propeta, isa ring katuparan na malapit na talaga ang Paghuhukom.
Nagpadala na po ako ng panaginip ko rito, at kahit na hindi po ganoon kalinaw sa akin ang inyong mga sagot, naiintindihan ko po. Naniniwala po ako na sa takdang panahon, mauunawaan ko rin ang lahat ng ito.
Sa ngayon, malaki po ang pasalamat ko sa paggabay ninyo sa pamamagitan nitong Hinirang blog. Sana po ipagpatuloy niyo lang ang pagsulat kahit anong mangyari. Marami pong kapatid ang umaasa sa Elias na magsasaayos ng lahat ng ito bago dumating ang araw ng Paghuhukom.
Salamat po at patuloy nawa kayong tulungan ng ating Panginoong Diyos.
Ang inyong kapatid sa Panginoon,
Elsa
LikeLike