Mayroon tayong dapat na kilalanin at hindi dapat na kilalanin. Ngunit dapat tayong maging mapagsiyasat ngayon. Napapanahon sapagkat kailangang-kailangan natin ng ibayong pag-iingat! Ka Jun Santos o JS ito ang pangalang kilala ngayon sa loob ng Iglesia ni Cristo na gumagawa ng pangalan. Marumi nga lang at masamang pangalan. Siguro mas mainam na ipakilala natin siya sa tunay niyang pangalan para naman nakakaalarma sa kanya. Sapagkat binabaliwala lang niya ang mga alyas alyas niya na hindi siya apektado sapagkat nakaliligtas siya sa tunay na pagkakakilanlan sa kanya at yun ang kanyang ikinatutuwa.
Ang taong ito ay sobrang palalo, mayabang sabi nga sa paglalarawan ng kapatid na Nelson. Si Glicerio B. Santos, Jr. na kanyang kilala mula pa noon na nabubuhay ang Tatay Erdy ay may kakaibang karakter sa tunay na mga ministro ng Panginoong Diyos. Hindi nga mapagkakatiwalaan noon, e di lalung-lalo na ngayon dahil hayag na siyang magnanakaw talaga gamit ang sariling account sa panig ng mga nasa pananalapi ng Iglesia. Nabalitaan niyo ba ang nangyari sa Singapore? Grabe!
Ang pangangasiwa niya at pagkontrol sa pananalapi ng Iglesia ay lubhang nakakabahala at nakakakilabot. Sapagkat higit at wala siyang makakatulad na kasing sama na maihahalintulad pa natin sa kapatid-kapatiran nating ito. Dahil nasa tunay tayong paglilingkod, kaya paanong naaatim niya na nakawin ang abuloy natin at mga tanging handugan sa lokal? Paano pa kaya ang mga ilalagak natin itong papasok na Disyembre 2015? Saan na naman kaya niya/nila dadalhin?
Bakit kayang-kaya niyang linlangin ang mga kapatid natin na nangangasiwa sa pananalapi ng Iglesia at ito ang pera ng abuluyan, tanging handugan ay nakukuha niya sa pamamaraang alam niya at kung kailan na maibigan niyang gawin at nagagawa naman niya. Paano ang mga nakikipagsabwatan sa kanyang pagnanakaw at paano nila ito nalulusutan?
KAWIKAAN 29: 23 Ang magbabagsak sa tao’y ang kanyang kapalaluan,
ngunit ang mapagpakumbaba ay magtatamo ng karangalan.
Palalo ba ang Ka. Glicerio B. Santos, Jr.? Kung oo, yan ang magbabagsak sa kanya!
24 Ang makipagsabwatan sa magnanakaw ay mahirap na kalagayan:
Kapag nagsabi ng totoo, ipabibilanggo ng hukuman,
ngunit paparusahan naman ng Diyos kapag ang sinabi’y kasinungalingan.
Magnanakaw nga ba talaga ang Ka. Glicerio B. Santos, Jr.? Kung oo, huwag kayong makikipagsabwatan sa kanya! Sapagkat magagawa ninyong makapagkaila sa tao sa pamamagitan ng pagsisinungaling, pero sa Panginoong Diyos ay tiniyak na parurusahan Niya kayo!
25 Huwag mong ikabahala ang sinasabi ng iba,
magtiwala ka kay Yahweh at mapapanatag ka.
Isa ka ba sa pinag-iisipan ng pamilya Santos ng masama na ikinababahala niyo? Huwag mabahala dahil ang sabi pumanatag ka lang at ang Panginoong Diyos na ang bahala.
26 Marami ang lumalapit sa hari upang humingi ng tulong,
ngunit kay Yahweh lamang makakamtan ang katarungan.
Masyadong mabigat ang gagawin ni Ka. Glicerio B. Santos, Jr. sayo at sa sambahayan mo. Hihingi ka ba ng tulong sa mga Hari? Katulad ng Pangulo ng Pilipinas, Tagapangasiwa, o iba pang katulad nito gaya ng Pamamahala ng Iglesia sa kapanahunan natin na nasa ilalim din ng kontrol ng pagkalimot sa tunay na pangangalaga sa Iglesia?. Kung oo, wala kang maaasahan o makakamtan na katarungan kaya nga ipaubaya muna lang sa Panginoong Diyos natin.
27 Ang masama ay kinasusuklaman ng mga matuwid;
ang masasama nama’y sa matuwid nagagalit.
Galit ba sayo si Ka. Glicerio B. Santos, Jr.? Alam muna kung bakit.
Magnanakaw – Asin
INTRO
Ayon sa kasulatan, ayon sa mga nakaraan
Ayon sa mga nangyayari noon at sa nangyayari ngayon
Tayong mga Pilipino raw ay may ugaling magnanakaw
Mula pa no’ng unang panahon hanggang sa kasalukuyan
Ito kaya’y totoo, ito kaya’y nangyayari
Ito kaya’y nangyayari noon, nangyayari din kaya ngayon
Ito kaya’y dahil na rin sa ating katamaran
Hindi tapat sa gawain at sa iba’y nakikinabang
Tingnan mo ang iyong sarili, suriin mo ang iyong ginagawa
Ikaw ba’y isang magnanakaw at taong mapagsamantala
Hindi nagpapapawis, hindi lumuluha
Ginagamit ang galing sa hindi tamang gawa
CHORUS
Ang magnanakaw ay mapagsamantala
Magaling magkunwari, madaling makilala
Balat-kayong ginagamit kahit hindi sa pirata
Magnanakaw pa rin ang nakikita sa kanya
May nagnanakaw ng oras, talino at pawis
Pati ang galing kung minsa’y ninanakaw rin
Ano kaya ang dapat gawin ngayong alam na natin
Dahil na rin ba sa katamaran, hahayaan na lang ba natin
Tingnan mo ang iyong sarili, suriin mo ang ‘yong ginagawa
Ikaw ba’y isang magnanakaw at taong mapagsamantala
Hindi nagpapapawis, hindi lumuluha
Magnanakaw ng oras, galing at pawis ng iba
[Repeat CHORUS]
————————————000OOO000——————————–
KILALANIN ANG PAMILYA NI GLICERIO B. SANTOS, JR.
Nelson Maranan
Iglesia Ni Cristo Silent No More Na Rin!
October 15, 2015
Pamilya ni tatang Kidlat… may Darkside?
Tale of the Darkside
Marahil ay kaunti lamang ang nakaka alam kung sino at kung anong klaseng mga tao ang pamilya ni Jun Santos. Si Jun Santos ay nakilala ko nuong buhay pa ang Ka Erdy. Siya na ang auditor noon at kaya sa kanya dumadaan ang maraming proyekto ng Iglesia.
Nakasama ako ng aking biyenan na dalawin siya sa kanyang opisina sa Central dahil merong proyekto ang aking biyenan sa mga ginagawang kapilya nuong mga panahon na iyon. Tunay akong nabigla sa aking mga narinig tungkol sa mga SOP na lagayan para ma-award ang proyekto sa aking biyenan.
Sa ating gobyerno ay hindi ito nakaka-bigla dahil open secret ang lagayan sa gobyerno, pero sa loob ng Iglesia? Mang-mang pa ako noon at talagang hindi ko matanggap na mayroon ganun na nangyayari sa loob ng Central. Pero paliwanag ng biyenan ko ay walang magagawa kasi kung hindi magbibigay, walang project na makukuha.
Ang impresyon ko noon kay Jun Santos ay para siyang hindi ministro. Hindi siya magalang sa kanyang mga nakakaharap, mayabang ang kanyang dating at pananalita at para siyang pulitiko kung umasta… iba siya kumpara sa mga karaniwan ng mga ministro… inisip ko na lang siguro sa dami ng kanyang trabaho ay medyo stressed siya at walang oras sa pakikipag mabutihan sa mga nakakausap niya.
Si Sergie naman ay naging barkada ko sa New Era. Saksakan ng yabang ang taong yan at laging merong nakaka-away. Hindi naman siya ang lumalaban sa mga kaaway niya dahil maliit (5’2” lang yata si Sergie) at patpatin lang siya… yung pinsan/bodyguard niya ang laging nambu-bully sa mga taong napapag-tripan niya. Konti lang ang nagiging kaibigan ni Sergie kasi masama ang ugali – siguro kaya siya bumuo ng isang fraternity group sa loob ng New Era na tinawag niyang “Darkside”.
Ang nakuha niyang mga miembro niya ay mga tipikal na mga bully, bulakbol sa pagaaral at mga tipong rebelde. Lagi mong makikita ang grupo nila na tine-takeover ang karinderia malapit sa tapat ng New Era gate along St Joseph. Pag naka pwesto na sila doon ay halos wala nang makakain na iba dahil kahit hindi sila kumakain ay nag yoyosi silang lahat doon at walang maupuan ang gusto kumain. Buti na lang merong “Graceland” pag liko mo ng kaunti, para may makainan ka… doon, ang gaganda pa ng mga Velano sisters
Anyway, isang araw, para daw maging notorious at sumikat ang grupo nila ay may ginawa silang stunt sa loob ng New Era. Nag puslit sila ng marijuana sa loob at doon nila “tinira” sa malapit sa open basketball court. Eh umamoy at may nag sumbong kaya nahuli sila. Lahat ng miembro ng Darkside ay siempre na kick out sa New Era… pwera lang si Sergie! Tanong namin, bakit hindi nasama yung leader? Eh kasi daw anak ni Jun Santos.
Nakita pa namin isang gabi na sumusuka sa harap ng Templo Central si Sergie sa sobrang kalasingan niya habang hinihintay ng mga kasama niya. Nakakahiya at ang daming nakakakitang tao… kung may smart phone na noon ay malamang nasa youtube na yung eksenang yon.
Yung iba naman niyang kapatid na si GP at Jet eh marami ring kontrobersiya sa buhay nila… si GP feeling playboy at lahat na lang ng maloko niya na patulan siya eh tinira at sinisira ang buhay. Si Jet naman eh natiwalag na dahil din sa sanlibutan ang asawa at ngayon, crony ng tatay niya doon sa beerhouse (Bistro daw?) na tinayo nila.
Nakakapagtaka at nakaka-tindig balahibo talaga na ngayon ang pamilyang ito ang nagpapatakbo sa buong Iglesia. Si GP sa tulong ng tatay niya ay ninakaw na ang bilyon-bilyon sa inipong handugan sa panahon ng ka Erdy. Si Sergie, ang nanay niya at kapatid niyang si Jet ay nasa signatory at board rin ng mga foundation at dummy companies na inimbento nila para i-funnel ang mga inipon na abuloy.
Sa aking palagay ay nailipat na nitong mga ito ang pondo sa mga swiss account na siempre under sa alias or cronies nila. At kung humantong sa pag collapse ng finance ng Iglesia ang ginawa nila, tatakas lang itong mga ito kung saan na tangay na ang perang hinandog sa diyos.
Siguro yan din ang dahilan kung bakit walang habas ng itinitiwalag ang lahat ng kapatid na magtatanong tungkol sa katiwalian… intension talaga ni Jun Santos na mabuwag na ang serial number ng Iglesia at umalis ng kusa ang mga nadidismaya sa kanilang katiwalian para pag dating ng panahon, wala ng matitirang kapatid na hahabol sa mga perang ninakaw nila… may matira man ay mga tuta at mga nabayaran nila.
-SKSantos
Gising mga kapatid!!!
Kayo na lang ang natutulog!!!
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo … Hinirang.
LikeLike
Mga kapatid naming defenders,
Sa kaniyang blog noong Oktubre 18, 2015 ay nagtanong ang Kapatid na Elias, “MALAKING BANTA BA TALAGA NGAYON ANG PAMILYA NILA SA MGA KAPATID NATING MGA IGLESIA NI CRISTO?”
Ayon kay Kapatid na Elias, “Ka Jun Santos o JS ang pangalang kilala ngayon sa loob ng Iglesia ni Cristo na gumagawa ng pangalan. Marumi nga lang at masamang pangalan.” Para sa akin, kailangan talaga na gumawa siya ng pangalan para MAGKAROON NG MUKHA ng kinatuparan ng kasulatan ukol sa kasuklam-suklam maninira sa mga hinirang na hinulaan ni Propeta Daniel at binanggit ng ating Panginoong Jesucristo sa Mateo 24:15 NKJV:
15 “Therefore when you see the ‘abomination of desolation,’[c] spoken of by Daniel the prophet, standing in the holy place” (whoever reads, let him understand), …
Samakatuwid, tiyak na magkaka-PANGALAN ang taong ito dahil HINULAAN siya ni Daniel at MISMONG ang ating Panginoong Jesucristo ay SINITAS ang hula ni Daniel ukol sa kaniya. Ang sabi Niya ito ay MAKIKITA pagka darating na ang wakas. Ano-ano ang mga ikakikilala sa kasuklam-suklam na ito? Bayaan ninyong aking sipiin ang isinulat din ni Kapatid na Elias sa kaniyang blog noong Hunyo 23, 2015:
(Daniel) 11: 21 “May lilitaw na isang malupit at kinapopootang tao na gustong maging hari. (Sino ang
LikeLike
Sa pasimula ng magbasa ako sa blog na ito Iglesia Ni Cristo…Hinirang ay hindi iisa kundi makiilan ko pong binabalikan at binabasa, paulit-ulit simula sa umpisa at kapag may bagong posting ay labis po naman akong natutuwa dahil meron po ulit akong matututuhan at sa awa at tulong ng Ama nating Diyos ay nagpapasalamat po ako sa pagbibigay sa akin ng liwanag ng isip upang hindi ako mag-alinlangan sapagka’t naniniwala po ako na si Ka Elias Arkanghel ang binigyan ng Diyos ng karapatan upang mag-saayos ng lahat at manumbalik sa kaayusan at kalinisan ang Iglesia ni Cristo. Pero sa pamamagitan po nito ay marami pa po pala sa mga kapatid ang hindi naniniwala dito. Katulad po kahapon pinalitan ko po ang background picture profile sa true FB account ko. Iyon po ay picture ng Central Temple na may sitas po ng biblia Isaias 1:26, may nag-ulat po sa aking kapatid at sinabihan po ako ng Asst.District Minister na alisin ko ang picture dahil parang sinasabi ko daw po na may pagbabanta na aalisin ang Tagapamahala. Sa kapayapaan po at katahimikan ay sumunod po ako at inalis ko na po ang posting upang maiwasan po ang hindi pag-kakaunawaan. Kaya po minsan lumuluha ako sa lungkot dahil sa kitang-kita at damang dama ko na hindi po pala lahat ng mga kaanib sa loob ng Iglesia Ni Cristo mapa ministro, may tungkulin , ordinaryong kapatid ay may taglay na liwanag at patnubay ng Diyos at Panginoong Jesu-Cristo. Ito po ba ay sa dahilan na hindi bukas ang kanilang puso at hindi din po lubos ang pagtitiwala nila sa Diyos? Sana po maging mapagbasa at mapanuri ang mga kapatid at sana sa pagbabasa po nila sa blog na ito ay mabuksan ang kanilang puso at isipan sa pagka-unawa. Maraming salamat po at panalangin ko din po na patuloy pa po kayong kasihan ng espiritu na galing sa Diyos upang patuloy pang maunawaan ang mga kahiwagaan ng biblia.
Ang nagmamahal ninyong kapatid sa pananampalataya,
Maria Centenero
LikeLike