Ang tunay na kalagayan ng Iglesia ni Cristo sa pangkasalukuyan ay hayag na sa maraming mga kapatid natin. Lalong hindi na maitatago pa sa pangkalahatan ang wala ng kaayusan sa pangangasiwa halos lahat ng mga kapatid na ministrong nakatalaga sa bawat lokal. Kung may mga mabubuti pang natitira ay bilang na halos sila kung sinu-sino man. Sapagkat hindi makaiiwas maging ang mga matitinong ministro at manggagawa. Sila ay pawang nadaramay na rin dahil sa pwersahang mga ipinag-uutos sa kanila ng mga Tagapangasiwa ng Distrito mula sa atas ng Sanggunian na agad din namang ipinararating sa kapulungan ng mga maytungkulin. Ito ang nagiging dahilan ng bulung-bulungan ng mga kapatid na maytungkulin sa kanilang pinangangasiwaang lokal. Kaya ang dati nilang maaamong tinig at mahinahong pakikitungo sa mga kapatid ay nabahiran na rin ng kapintasan. Na kung hindi nila gagawin ang may kabagsikang pangunguna ay malalapastangan na ang kanilang karapatan.
Nagpapangalat na ang…
View original post 2,803 more words