Mateo 24: 1-14
Tungkol sa Pagkawasak ng Templo
1 Lumabas si Jesus sa Templo. Paalis na siya nang lumapit ang mga alagad at itinuro sa kanya ang mga gusali ng Templo. 2 Sinabi niya sa kanila, “Nakikita ba ninyo ang mga gusaling iyan? Tandaan ninyo! Darating ang araw na wala riyang matitirang bato sa ibabaw ng kapwa bato. Lahat ay iguguho!”
Dumating na sa takdang panahon na lilisanin na ng ating Panginoong Jesu-Cristo ang Templo kaya nagbibilin na. Sa panahong yaon umiiral na rin ang pagtugis sa Kanya dahil sa dala-dala Niyang Katotohanan mula sa Dakilang Diyos na nagsugo sa Kanya. Sila ang mga nag-aastang makapangyarihang mga lider na nasa hanay ng mga Paresio na nakipagsabwatan na rin sa mga Saduseo (naka-ugnay sa Sanedrin o sa gobyerno) para maipapatay lamang Siya. Palibhasa matataas na rin ang pagkakilala sa kanilang sarili dahil pawang mga lider nga sila ng…
View original post 2,588 more words