Posted on November 3, 2015 INC DEFENDERS TAOS PUSONG NAGPAPASALAMAT… KINILALA ANG NAGAWANG TULONG SA KANYA …. Scroll down to see more content
Mahal po naming Ka Elias,
Napakasaya po ng nararamdaman ko habang ako po ay nagbabasa nitong mga ipinasulat sa iyo ng Ama para ipaalam at ipakita po sa lahat na gawa ng makapangyarihang kamay ng Ama ang lahat ng mga bagay na nangyayari. Mga pinanukala Niya at Kanya rin po na pinangyayari.
Magtitiis po kaming maghintay sa araw na iyon na itinakda ng Ama upang makabalik na po sa kaningningan, dalisay, banal, payapa at maligayang paglilingkod sa ating mahal na Ama at sa ating mahal na Panginoong Jesus na siya po nating laging mithiin. Salamat po ng napakarami sa ating Dakilang Ama at sa ating Panginoong Jesus at sa Banal na Espiritu ng Ama na inilagay ng Ama sa ating mga puso, upang siyang kasa-kasama natin, upang magpaalala ng Kaniyang mga banal na kautusan, at upang magawa nating lagi ang…