Gideon ·
KAHIT ANONG GALING NG ISANG TAO, KAHIT ANONG TALINO ANG TAGLAY NIYA, KUNG HINDI SIYA SASAMAHAN NG PANGINOONG DIYOS AY HINDI SIYA MAGTATAGUMPAY.
Isang halimbawa si kapatid na Lowell Menorca II at kapatid na Joy Yuson. Mga kinikilala sa Iglesia, mga naging leader sa panig ng mga defender. Isang manggagawa at isang ministro sa Iglesia. Masasabi nating makaDiyos, dahil tinawag sila sa ganong kataas na tungkulin. Kaya lang ay kinukuwestiyon nila ang mga salita ng Panginoong Diyos. Tulad ng mga panaginip sa blog ng Hinirang by Elias Arkanghel. Ang sinisita at hindi pinaniniwalaan ni kapatid na Lowell Menorca II ay ang mga panaginip na naihanay sa blog ni ka Elias Arkanghel. Bakit kailangan niyang kuwestiyunin iyong tungkol sa panaginip? Hindi ba sa ginagawa niya ang kinakalaban niya ay ang mga salita ng ating Panginoong Diyos? Hindi ba ang mga salita ng Panginoong Diyos ay nakasulat sa HIWAGA na hindi mauunawaan kung hindi ito ipinauunawa nang ating Panginoong Diyos? Si kapatid na Joy Yuson, ipinipilit niya na sa mga tao babangon ang espiritu ni ka Erdy, upang maging maayos ang Iglesia. Sa tingin ba niya nangyayari ito ngayon? Bumabangon na nga ba sa kanila ang espiritu ng ka Erdy? Ano bang uri ang espiritu mayroon ang ka Erdy? Nakikita ba sa mga taong sinasabi niya ang espiritu ng ka Erdy? Hindi ba’t ang ka Erdy ay may isang maamong espiritu. Mapagmahal, mahinahon, mabait, ang ibig ay kapayapaan. At higit sa lahat ang espiritu ng ka Erdy nanggaling sa Diyos. Ang ka Erdy ay makaDiyos kaya walang pasubaling sinusunod ni ka Erdy ang mga utos ng Panginoong Diyos. Hindi niya kinakalaban ang mga salita at utos ng Panginoong Diyos at ating Panginoong JesuCristo.
Ang isang taong makaDiyos ay walang pasubaling susunod sa mga utos ng Panginoong Diyos, hindi man niya kilala ang taong napag-utusan upang magpahayag ng Kaniyang katotohanan.
Ano ba ang ginagawa ng mga taong ito? Pinipigilan at binababalalaan ang mga kapatid natin na huwag paniwalaan ang mga pahayag sa blog ni Elias Arkanghel. Hindi ba sila ay ginagamit na rin na instrumento ng dyablo upang akayin ang mga kapatid natin na huwag magsuri at huwag magbasa. Palibhasay sila’y mga kinikilalang leader sa panig ng mga defender. Hindi ba’t sila’y pakikinggan ng mga kapatid natin at marami silang nahikayat sa mga babala nilang ito.
ANG PAMILYA NG KA ERDY AY HINDI PABABAYAAN NG PANGINOONG DIYOS AT PANGINOONG JESUCRISTO, DAHIL ANG PANGAKONG IBINIGAY NIYA MULA PA SA SUGO. ITO AY NANANALANTAY SA KANIYANG LAHI. HINDI BA’T ANG PAMILYA NG KA ERDY AY LAHI NG SUGO? KAYA ANG PAG-IINGAT NG PANGINOONG DIYOS AY SASAKANILA. MAHAL NA MAHAL SILA NG PANGINOONG DIYOS AT PANGINOONG JESUCRISTO, HINDI SILA LILIMUTIN. DINARANAS MAN NILA NGAYON ANG MGA PANGGIGIPIT, KARAHASAN NG MGA KAAWAY DAHIL KAILANGANG MANGYARI ANG MGA NASUSULAT. Ang bahay na nilulugaran nila ay binasbasan ng Panginoong Diyos, hindi sila aalis doon dahil doon lang ang tanging lugar na sila ay magiging ligtas. Bago pa man pumanaw ang ka Erdy ibinilin niya ang kaniyang pamilya sa Panginoong Diyos at sa ating Panginoong JesuCristo. Batid nila na magdadanas sila ng sobrang pag-uusig. Inihanda na sila ng ka Erdy. Babakuran sila ng kapangyarihan ng Panginoong Diyos dahil iyon ang Kaniyang ipinangako mula pa sa sugo at maging sa kapatid na Erano G. Manalo. KONTING TIIS NA LANG MGA KAPATID KO, ANG PANGINOONG DIYOS AY IGAGAWAD NA ANG KANIYANG PARUSA SA MGA TAONG TAMPALASAN.
Kaya halikayo magbagong buhay na kayo. Kilalanin ang mga salita ng ating Panginoong Diyos. Ang mga babala NIYA ay ating sundin. MAHAL NG DIYOS ang bayan NIYA. Kaya nga nagbigay SIYA ng mga babala sa pamamagitan ni Elias Arkanghel. Dito sa blog na ito ipinapakita ang HIWAGA NG KANIYANG MGA SALITA. Manalangin at hingin ang pang-unawa sa DAKILANG MAYKAPAL upang maunawaan ang LIHIM NA PANUKALA. HABANG MAY PANAHON PA, HINIHIKAYAT KO KAYO MGA KAPATID KO, BUMALIKWAS NA. HUWAG PAGDUDAHAN ANG MGA IBINIGAY NA BABALA NG ATING PANGINOONG DIYOS SA MGA LINGKOD NIYA.
ANG MGA SALITA NIYA’Y MAHIWAGA KAHIT MATALINO KA PANG TAO AY HINDI MO MAUNAWA KUNG ITO AY HINDI IBIBIGAY SA IYONG PANG-UNAWA.
SA MGA HULING ARAW NA ITO ANG SUSUBOK SA ATING MGA DAMDAMIN AT SA ATING PUSO AY ANG MGA KATOTOHANANG NABIGYANG DAAN NA MAIPALIWANAG NG KAPATID NA ELIAS ARKANGHEL. KANINO BA TAYO PAPANIG? SA NAGBABAWAL NA HUWAG PANIWALAAN ANG MGA PANAGINIP AT MGA PANGITAIN O SA ATING PANGINOONG DIYOS NA PINAGMULAN NG PAG-UUTOS NITO NA ITINATAGUYOD NG KAPATID NA ELIAS ARKANGHEL?
SA MGA KAPATID NAMING TINATAWAGAN NG PANSIN DITO. NAGBIBIGAY NG PAGKAKATAON PA ANG ATING PANGINOONG DIYOS NGUNIT ANOMAN ANG MANGYARI MAGING HANDA KAYO SA PAGSUBOK NA BIGLANG-BIGLA NA LANG DARATING MULI SA INYONG BUHAY. SAPAGKAT HANGGAT KAYO ANG NAGIGING HADLANG AT KATITISURAN PARA HUWAG MANALIG SA MGA KATOTOHANANG BINABANGGIT SA BLOG NG IGLESIA NI CRISTO HINIRANG ANG MGA KAPATID NATIN SA HALIP NA NAPAPANIWALA NINYO AY HINDI NA RIN KAYO MAPAPAYAPA. NGUNIT MAPALAD NAMAN ANG MAKASUSUNOD.
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo … Hinirang.
LikeLike