Taong 1996 sa dako ng Jerusalem, pinangasiwaan ng mahal nating kapatid na Erano G. Manalo ang isang Tanging Pagsamba na ito ang pagbabalik ng Iglesia ni Cristo sa Jerusalem. Alinsunod sa leksiyon na inihanay doon ng kapatid na Eraño G. Manalo, bahagi ng kaniyang pagtuturo na ang kapatid na Felix Y. Manalo ang kinikilala nating sugo ng Diyos sa huling araw na siyang kinatuparan ng hula ukol sa Elias na darating.
Nakasulat sa hula ng Biblia sa Malakias 4:5-6 “Narito aking susuguin sa inyo si ELIAS na propeta bago dumating ang dakila at kakila-kilabot na kaarawaan ng Panginoon. At kanyang papagbabaliking loob ang puso ng mga ama sa mga anak at ang puso ng mga anak sa kanilang mga magulang.”
Ang Iglesia ay tinatawag na anak.. anak na babae ng Sion at ang Sion ay ang Iglesia ni Cristo.
Sapagkat alam natin na iyong unang Iglesia ni Cristo ay natalikod pero hindi pumayag ang Panginoong Diyos na ganap na itong mawala, katunayan nagtira siya ng binhi na kung tawagin ay anak na babae ng Sion. Ito’y Iglesia rin, at Sion din, Jerusalem din ayon sa pagtuturo ng kapatid na Erano G. Manalo.
Kaya natupad ang hula na muling babangon mula sa pagkakatalikod ang unang Iglesia ni Cristo dahil sa layunin ng Panginoong Diyos na maibalik ito sa kanyang orihinal na Iglesia ni Cristo na ginawa Niyang sariling tahanan at yan ang magandang kapalaran ng mga kaanib ng maibalik ang tunay na paglilingkod taong 1914, July 27. At ang kinatuparan nga nito ay sa katauhan ng kapatid na Felix Y. Manalo na kinasangkapan para sa pagpapanumbalik. Ang panunumbalik ng Iglesia ni Cristo sa orihinal na pagsamba at paglilingkod sa tunay na Panginoong Diyos at sa ating Panginoong JesuCristo.
Gawa 3:20-21 NPV … “20 at upang KANIYANG suguin ang Cristo na itinakda para sa inyo – samakatuwid ay si Jesus. 21 Dapat muna siyang manatili sa langit hanggang sa dumating ang panahong ibabalik ng Diyos ang lahat ng bagay, gaya ng KANIYANG malaon nang ipinangako sa pamamagitan ng mga banal na propeta.”
Ito ang naging gawain ng kapatid na Felix Y. Manalo, ang pagbabalik na itinakda ng Diyos para sa lahat ng bagay. Naisagawa ito ng KANIYANG sugong lider na ang espiritu at kapangyarihan ay ang espiritu at kapangyarihan ni ELIAS na propeta na tagapag-pabalik-loob. Paano ngayon iyon? Hindi ba’t pinagpahinga na siya noong 1963? Kung si ELIAS ang kapatid na Felix Y. Manalo? Di hindi niya naisauli rin ang lahat ng bagay? Ang ibig bang sabihin niyon ay hindi tama ang hula? Sapagkat hindi rin niya naibalik sa lahat… Ang totoo mayroon siyang naibalik. Naibalik niya ang una, pagsisimula kaya nga lang hindi kumpleto ang pagbabalik.
Kanino ba gawain ang gampanin ng sugo? Hindi ba ito ay sa Diyos. Kanino naman gawain ang ginampanan ng kapatid na Eraño G. Manalo? Ito ba’y gawaing iba sa pagsusugo sa kapatid na Felix Y. Manalo? Nagtatag ba ng ibang gawain o ibang Iglesia ang kapatid na Erano G. Manalo nang namatay ang sugo? O ito’y PAGPAPATULOY lang?
Napakalinaw… ang gawain ng sugo ay itinuloy lang ng kapatid na Eraño G. Manalo. Samakatuwid, sakop ito ng gawain ng ikatlong ELIAS. Iyong tao pwedeng mamatay, pero iyong trabaho ng sugo ay hindi maaaring mamatay. Iyong trabahong pagbabalik hindi maaaring mamatay. At yan ang kanyang naipagpatuloy!
Alinsunod po sa hula sa gawaing pagbabalik na pangungunahan ng sugo ng Diyos sa huling araw bilang ikatlong ELIAS na siyang magbabalik ng lahat ng bagay. Sino ang kanyang makakasama para ipagpatuloy na maibalik ang lahat ng bagay?
JEREMIAS 30:21 NPV
“Ang lider nila’y magmumula rin sa kanila. Ang Tagapamahala nila’y titindig mula sa gitna nila. Tatawagin ko siya at lalapit siya sa akin pagkat sino ba itong nagtalaga ng kanyang sarili para maging malapit sa akin?”
Pahayag ng PANGINOON. Ibig sabihin iyon ang nanguna, iyon ang nagsimula, iyon ang kapatid na Felix Y. Manalo. Paano kung pinagpahinga na? Sino ang magtutuloy kung wala na ang lider? Ano ang ipapalit ng Diyos sa sugong lider? Ang Tagapamahala. Hindi ba ang kapatid na Eraño G. Manalo ang humalili sa kapatid na Felix Y. Manalo? Ang kapatid na Eraño G. Manalo ang Tagapamahala, na nangunguna sa Iglesia ni Cristo.
Ano po ang gawain o gampanin ng Tagapamahala sa gawain ng ikatlong Elias?
Iyon ang kasama ng Elias para IPAGPATULOY, TAPUSIN O ITULOY ang gawaing pagbabalik ng lahat ng bagay.
May kahalalan po ba iyon? O baka naman iyong gaya ng sinasabi ng ilan diyan na siguro “SELF-PROCLAIMED”. Baka inihalal niya ang kanyang sarili o baka pinagbotohan lang ng mga ministro alinsunod sa kanilang rangka.
… Ang lider nila ay magmumula rin sa kanila. Ang Tagapamahala nila ay titindig mula sa gitna nila … Sino po naglagay?
Jeremias 30:21 MB … Aanyayahan KO siya, kaya’t siya nama’y lalapit sa Akin, sapagkat walang mangangahas na kusang lumapit sa Akin.
… Aanyayahan KO siya, yon ang sabi ng Diyos
… Kaya’t siya namay lalapit sa AKIN. … Ibig sabihin hindi ipinirisinta ang kanyang sarili
… hindi ipinirisinta ng kapatid na Eraño G. Manalo ang kanyang sarili.
Ang Diyos ang tumawag, katumbas ng aanyayahan ko siya, para siya lumapit sa AKIN.
Samakatuwid nagpapatuloy po ang kahalalan, hindi nawala, hindi nailibing kasama ng sugo, ang katawan ng sugo ang nailibing. Ang kaluluwa niya ang namatay, ngunit ang trabaho niya, ang gawain niya ay naisalin sa Tagapamahala na inihalal din ng Panginoong Diyos para ipagpatuloy ang gawaing pagbabalik.
Ngunit batid natin pinagpahinga na rin ang kapatid na Eraño G. Manalo. Natapos po ba ng kapatid na Erano G. Manalo ang gawain ni ELIAS na kanyang ipinagpatuloy lamang? Hindi pa po.
Samakatuwid nagpapatuloy po ang kahalalan, hindi nawawala, hindi nailibing kasama ng sugo, hindi nailibing kasama ng ka Erdy. Ang katawan ng sugo at katawan ng ka Erdy ang nailibing. Ang kaluluwa nila ang namatay ngunit ang trabaho ng ELIAS, ang gawain ng ELIAS, ang espiritu at kapangyarihan ng ELIAS ay naisalin sa inihalal o napag-utusan ng ating PANGINOONG DIYOS para ipagpatuloy ang gawaing pagbabalik o pagsasaayos. Kaya itong gawaing ito ni ELIAS ARKANGHEL, na pinahintulutan na maghayag ng mga salita at babala ng Diyos ay tunay na gawain ng Diyos.
PAANO TAYO NAKATITIYAK? Nang panahon po ba ng ka Erdy ay ibinigay na nang Panginoong Diyos ang kahulugan o paliwanag ng hiwaga ng panaginip ni Daniel? Hindi pa po.. ngayon … ngayon pa lang ipinaunawa ang kahulugan ng panaginip ni propeta DANIEL. Kanino po ipinaunawa o ipinagkatiwala ang pagkaalam? Sa taong inihalal ng Diyos. SIYA rin ang pumili. SIYA rin po ang humirang, at KANIYANG kinasihan ng BANAL NA ESPIRITU ang taong kakatawan upang maipagpatuloy ang gawain ni ELIAS…
Kung papaano ang espiritu at kapangyarihan ni Elias na tagapagpabalik-loob ay tinaglay ni kapatid na Felix Y. Manalo sugo ng Diyos sa huling araw at naisalin sa Tagapamahalang Pangkalahatan na si kapatid na Eraño G. Manalo, samakatuwid ito ay isinalin din sa katauhan ni ELIAS ARKANGHEL na siyang magsasaayos at magbabalik ng lahat ng bagay bago dumating ang Panginoong JesuCristo. Taglay din ni ELIAS ARKANGHEL ang espiritu at kapangyarihan ni Elias na tagapag pabalik loob.
Teka po tiyak magtatanong kayo. Paano ang Pamamahala ng kapatid na Eduardo V. Manalo? Hindi ba’t siya ang pumalit na mamahala ng mamatay ang Ka Erdy? KAYA LANG MAY NAPAKALAKING KATANUNGAN. MAAYOS PO BA ANG IGLESIA NI CRISTO NGAYON SA KAMAY NG KANYANG PANGUNGUNA SA IGLESIA? Kayo na ang saksing buhay na makapagsasabi niyan. Napakagulo at maraming mga katiwalian at kapinsala-pinsala silang nagagawa. KAYA HINDI NIYA TINATAGLAY ANG ESPIRITU NI ELIAS? DAHIL ANG TOTOO KASAMA PA NGA SIYA SA DAPAT DING ISAAYOS?
Hindi po ba ang sabi darating ang Panginoong JesuCristo sa kalagayang ang Iglesia ay maluwalhati, walang kapintasan, maayos at hindi wasak. Samakatuwid ang pamamahala ngayon na nakaupo ay wala talaga sa kaniya ang espiritu at kapangyarihan ni Elias na tagapagbalik loob. Kaya naman dahil sa pagmamahal sa atin ng Panginoong Diyos, muling humirang, nagsugo ang Panginoong Diyos ng hahalili bilang Elias na magsasaayos sa Iglesia.
Katulad po ng pagkakaturo sa atin ng kapatid na Eraño G. Manalo, ang Diyos ang may kalooban nito na isalin ang Espiritu ni Elias upang ipagpatuloy ang gampanin.
II Hari 2:9 “9 At nangyari, nang sila’y makatawid, na sinabi ni Elias kay Eliseo, hingin mo kung ano ang gagawin ko sa iyo, bago ako ihiwalay sa iyo. At sinabi ni Eliseo, Isinasamo ko sa iyo, na ang ibayong bahagi ng iyong diwa ay sumaakin.”
II Hari 2:15 MB … “15 Nang makita ito ng mga propetang taga-Jerico na nanonood sa di kalayuan. sinabi nila, “Sumasakanya ang espiritu ni Elias.” Siya’y sinalubong nila at buong paggalang na niyukuran.”
Ano naman ang dapat gampanan ni Elias bago ang pagparito ng ating Panginoong JesuCristo?
Tunghayan po natin mula sa iba’t ibang salin …
Mateo 17:10-11 … 10 At tinanong siya ng kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, Bakit nga sinasabi ng mga eskriba na kinakailangang pumarito muna si Elias? 11 At sumagot siya, at sinabi, Katotohanang si Elias ay paririto, at isasauli ang lahat ng mga bagay:
Mateo 17:11 NPV … isaayos uli ang lahat ng bagay.
Mateo 17:10-11 MB … upang ihanda ang lahat ng bagay.
Matthew 17:10-11 NKJV
10 And His disciples asked Him, saying, “Why then do the scribes say that Elijah must come first?” 11 Jesus answered and said to them, “Indeed, Elijah is coming first and will restore all things.
Matthew 17:11 TEV … he will get everything ready.
Matthew 17:11 LB … set everything in order.
Matthew 17:11 Jerusalem … see that everything is once more as it should be;
Bakit po magsasaayos? Dahil ang Iglesia ngayon ay magulo..ito ay nakatagilid na..pero hindi naman matatalikod..dahil ang pangako ay hindi na ito matatalikod. Kaya nga ito ay kailangang isaayos..
Sino naman ang magbibigay patotoo sa katuparan ng Elias na napagkatiwalaan sa gampanin bago ang pagparito ng ating Panginoong JesuCristo? Ang ating Panginoong Diyos na siyang humirang sa kaniya.
Ang nagpapakilalang Elias Arkanghel ay may patotoo ng Banal na Espiritu. Hindi ito dapat pag-alinlanganan. Hindi niya maipapaliwanag ang panaginip ni propeta Daniel kung hindi siya ang kinasihan ng Banal na Espiritu. Kahit anong talino at galing ng tao kung hindi ito kakasihan ng Banal na Espiritu ay hindi maipapaliwanag ang panaginip ni propeta Daniel.
Magdududa pa po ba kayo? Kapag ganito po ang inyong mga naging kaisipan at damdamin, ang Panginoong Diyos na po ang inyong kinukwestiyon. Kaya hinihikayat ko po kayo mga kapatid ko. Basahin at unawain ang mga pahayag at babala na mga hanay ng kapatid na Elias Arkanghel sa kaniyang IGLESIA NI CRISTO … HINIRANG Blog. Iwasan niyo lang pag-isipan siya ng masama kasi may mga patotoo na lahat ng kumakalaban sa kanya at nag-iisip ng masama sa kanya may mga hindi maipaliwanag na pangyayari sa buhay nila. Kung gusto ninyo ng kapayapaan.. ibuhay ninyo yung mga pahayag niya doon na pawang nakasulat sa Biblia. Habang may panahon pa po bumalikwas na po tayong lahat. Hindi ibig ng Panginoong Diyos na tayo’y mapahamak. Ang ibig po NIYA ang lahat ng mga hinirang NIYA ay maligtas kaya nagsugo po SIYA ng isa pang Elias sa katauhan ng kapatid na Elias Arkanghel upang ipagpatuloy ang gawain ni Elias na propeta na binabanggit sa Malakias 4:5-6 Narito aking susuguin sa inyo si ELIAS na propeta bago dumating ang dakila at kakila-kilabot na kaarawaan ng Panginoon. At kanyang papagbabaliking loob ang puso ng mga ama sa mga anak at ang puso ng mga anak sa kanilang mga magulang.
#accessthetruth #inc101 #onewithevm #1withevm #net25 #eduardomanalo #gliceriosantosjr #jojodeguzman #antoniodeguzman #antonioebangelista #radelcortez #arneltumanan #incdefenders #iamonewithevm #eaglenews #iglesianicristo #INC101 #IAMONEWITHEVM #onewithevm #1with25 #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #incmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo … Hinirang.
LikeLike