ANG PAG-IBIG NG MGA HINIRANG SA LAHAT NA PAGIGING DAPATIN NG ATING PANGINOONG DIYOS AT NG ATING PANGINOONG JESU-CRISTO.
1 Corinto 13: 1-13BMBB1 Makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel, kung wala naman akong pag-ibig, para lamang akong kampanang umaalingawngaw o pompiyang na kumakalampag. Mga mahal kong kapatid, binigyan man tayo ng Kaloob para makapangaral gayundin sa panig din naman ng mga talagang nakapag-aral sa Ministeryo, na nakapaghahanay at nakapagpapahayag ng mga mabubuting salita mula sa Banal na Kasulatan na naibabahagi natin sa mga kapatid sa wika na nauunawaan ng mga tao, ngunit kung walang pag-ibig ay wala ring kabuluhan. Kahit anghel pa nga ang katulad sa paglalarawan, na may anyong kabanalan nakapagpapahayag, subalit walang pag-ibig, ay wala rin talagang kabuluhan. Kaya marahil naihalintulad lang sa kampana o pompiyang na may kakayahang makatawag pansin lamang dahil sa nagagawang ingay nito…
View original post 829 more words